MANILA, Philippines - Nabawasan ang bilang ng mga Pinoy na nagyoyosi dahil sa mahigit isang taon nang pag-iral ng Sin Tax Law o Republic Act 10-351.
Sa isang joint statement, tinukoy ng 17 medical association at health group na bukod sa nababawasan ang konsumo ng mga Pilipinong tobacco user, napiÂpigilan na ring mahikayat ang mga would-be smoker o mga nagbabalak na magyosi.
Dahil umano sa pag-iral ng Sin Tax Law, nagmahal ang presyo ng sigarilyo at alak.
Tinukoy pa sa joint statement ang 2013 Youth Adult and Fertility and Sexuality Study na isinagawa ng University of the Philippines Population Institute and Demographic Reasearch and Devt Foundation.
Nakasaad sa ulat kung paanong bumagsak ang smoking prevalance sa mga Pinoy edad 15-24 sa 19.7 percent nitong 2013 mula sa 21.9 percent nuong 2002.
Bunsod nito, naniniwala ang mga nasabing grupo na epektibo ang Sin Tax Law bilang smoking reduction measure.