MANILA, Philippines - Ipinahiwatig ng isang political analyst na noon pang 2013 ay meron nang alyansa ang kampo ni Vice President Jejomar Binay at ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ng analyst na si Mon Casiple na ang nangyayari ay taliwas sa sinasabi ni United Nationalist Alliance Spokesman Toby Tiangco na hindi umano makikipag-alyansa si Binay kay Arroyo na kasalukuÂyang kongresista ng Pampanga.
Ipinaalala ni Casiple na, sa senatorial election noong 2013, kumandidato sa ilalim ng UNA ang mga kaalyado ni Arroyo na sina Migs Zubiri at Mitos Magsaysay.
Isa anya itong indikasyon na bukas ang UNA sa pakikipag-alyansa sa partidong Lakas-CMD ni Arroyo.
Sa obserbasyon ni Casiple, sa “pang-sho-shopping†na traditional politics ni Binay para makakuha ng alyansa sa iba’t-ibang partido ay mas lalawak ang koneksyon nito at tataas ang tiyansa para sa 2016 presidential election.
Gayundin ang pagtatalaga ni Binay kay Sen. JV Ejercito na pamunuan ang pag-organisa sa local government heads kung saan inamin nitong mayroon nang namumuong ‘strategic alliance’ sa pagitan ng Lakas-Christian Muslim Democrats ni Ginang Arroyo.
Senyales ito na maaari ang Binay-CGMA alliance para sa 2016 polls lalo pa at umaayos na ang relasyon ni Manila Mayor at dating pangulong Joseph Estrada at Arroyo na maari umanong magbigay daan para sa alyansa sa 2016.
Ang UNA ay koalisyon ng partdido ni Binay at dating Pangulong Estrada na Pwersa ng Masang Pilipino.
Una nang tinuring ng political analyst na ‘kiss of death’ sa ngayon ang pag-alyansa kay Arroyo dahil sa pagbaba ng popularidad nito matapos makasuhan at makulong sa kasong plunder.
Gayunman, malaking makinarya naman ang maaaÂring maiambag ng partido ni Arroyo sa sinumang susuportahan nito sa 2016 polls kung kayat hindi umano maitatanggi na marami ang nais pa rin na kumuha ng suporta ng dating Pangulo.