1-M lagda target vs child porno

MANILA, Philippines - Nagkaisa kahapon ang PNP Anti-CyberCrime Group (PNP-ACG), National Tele­communications Commission (NTC) at isang Internet Service Provider (ISP) sa paglulunsad ng signature campaign laban sa lumalalang child pornography sa bansa­ partikular na sa social networking site.

Ayon kay PNP-ACG Director P/Sr. Supt. Gilbert Sosa, ang panga­ngalap ng isang milyong lagda sa publiko ay layon na maprotektahan ang mga kabataan laban sa cybercrimes.

Nagpahayag ng pagkabahala si Sosa sa tumataas na antas ng mga kabataang biktima ng krimen mula sa paggamit ng internet.

Tinukoy ng opisyal na kabilang sa cybercrimes ay child porno­graphy, cyber abuse, sexual exploitation at maging ang cyber­bullying.

Aminado naman si Sosa na kailangan nilang magdoble kayod upang mapigilan ang tumi­tinding problema laban sa pornograpiya na ang kadalasang biktima ay mga kabataan.

Sa panig ni NTC Commissioner Gamaliel Cordova, isusumite nila sa Kongreso ang makakalap na mga lagda para igiit na iprayoridad ng mga kongresista ang panukalang magpapataw ng mabigat na kaparusahan sa mga child predator sa internet.

 

Show comments