MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Valenzuela Rep. Sherwin GatÂchalian sa Kamara ang umano’y ulat sa ibinaon na nabulok na relief goods sa Leyte.
Ayon kay Gatchalian, kahit na naka-recess ang Kongreso ay maaari naman magpatawag ng special probe kahit walang sesyon ang Kamara upang maÂbigyang linaw agad ang naturang isyu at maparusahan ang mga nasa likod ng pagpapabaya na ma-expire ang mga relief para sa Yolanda victims.
Iginiit ni Gatchalian na hindi lamang national inteÂrest ang nakasalalay dito kundi ang imahe ng bansa sa international community na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Nakakahiya umano at hindi katanggap-tanggap kung mapatunayang totoo ang ginawa ng DSWD na nauna namang pinasinungalingan ng ahensya.
Tinukoy nito ang report ng World Bank na one-quarter hanggang one-third ng mga pagkain na pinoproduce ay naitatapon lamang sa basurahan o nawawala kapag ibinibiyahe sa mga pamilihan kung saan tinukoy ni World Bank president Jim Yong Kim na “shameful†o kahihiyan ito dahil milyon-milyong tao sa buong mundo ang nakakaranas ng gutom.