MANILA, Philippines - May bahid pulitika umano ang petition for recall na maagang isinampa laban sa kasalukuyang liderato ng Puerto Princesa.
Ito ang paniniwala ng mga negosyante at mga mamamayan ng Puerto Princesa makaraang iulat nina city tourism officer Aileen Amurao at PSSupt Mamerto Valencia ang tunay na sitwasyon sa lungsod kay Mayor Lucilo Bayron kahapon.
Sa record, ang 6% pagbaba ng tourist arrival sa lungsod noong nakaraang taon ay naitala sa first half ng taon sa ilalim ng dating Mayor Edward Hagedorn.
Paliwanag ni Amurao, pumalo ang tourist arrival sa huling bahagi ng taon noong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan. Naitala rin aniya ang tourist arrival para sa buwan ng Enero sa 66,438 kumpara sa 61,092 ng nakaraang taon. Ang mga turistang bumibisita sa Underground River ay nagtala ng 7% pagtataas hanggang ngaÂyong Marso.Â
Sinabi naman ni PSSupt Valencia na ang umano’y pagtaas ng kriminalidad ay bunga ng mga pagbabago sa pag-uulat ng Philippine National Police (PNP) na kinabibilangan ng mga hindi beripikado at hindi kumpirmadong report sa barangay at police blotters na hindi isinama sa PNP reports noong mga nakalipas na taon.
Dismayado rin ang mga empleyado ng lungsod na ilang dekada na sa serbisyo sa pamumulitikang ito sa Puerto Princesa. Apela nila, tigilan na ang pagpapalabas ng mga mali at mapanlinlang na impormasyon dahil ang mga mamamayan lamang ng lungsod ang nagdurusa.
Ayon pa sa kanila, natatanggap nila ang kanilang suweldo sa oras, may sapat na gamot para sa mahihirap, nabibigyan ng scholarship ang mararalitang mag-aaral, at maging ang paghahatid ng basic services ay mabilis.