MANILA, Philippines - Dinomina ng University of the Philippines ang 2013 Bar Examinations makaraang lima sa mga ito ang pumasok sa top 10.
Nanguna si Nielson Pangan na may grade na 85.8 percent, kasunod sina Mark Xavier Oyales ng UP (85.45%) at Dianna Louise Wilwayco ng Ateneo de Manila University (85.45 %); 3rd place naman si Rudy Ortea ng University of Batangas (84.2%), 4th place Eden Catherine Mopia ng UP (84.05%), 5th place Tercel Maria Mercado-Gephart ng University of San Carlos ( 83.9%), 7th place Manuel Sarausad ng University of Cebu (83.8%); 8th place Michael Tiu Jr. ng UP (83.70 %), 9th place Marjorie Ivory Fulgueras ng Ateneo de Manila ((83.65%) at 10th place Cyril Arnesto ng UP (83.60%).
Umabot sa 1,174 ang nakapasa sa 2013 Bar exam 0 22.18 percent ng kabuuang examinees.
Sa darating na Abril 28 ang oath-taking ng mga bagong abugado sa PICC, Pasay City, ayon kay Associate Justice Arturo Brion.