MANILA, Philippines - Nagbanta ang China na hindi nila papayagang sakupin o kontrolin ng Pilipinas ang Ayungin shoal sa West Philippine Sea (South China Sea) at pinalalayas ang lahat ng mga Pinoy o militar na naka-istasyon doon.
Ayon sa report sa Beijing, handa ang Chinese militaty vessel na harangin o hamunin ang anumang probokasyon mula sa Pilipinas lalo na umano ang mga magpupumilit na pasukin ang shoal.
Sinabi ito ng China kasunod ng pahayag ng isa umanong senior military official ng Armed Forces of the Philippines hinggil sa planong pagpapaÂdala ng mga barko para maghatid ng supply sa mga sundalong Pinoy na naka-istasyon sa shoal na sakop ng Spratly Group of Islands.
Ang Ayungin shoal na bahagi ng WPS na matagal nang binabantayan ng mga sundalong Pinoy ay tinawag ng China na Ren’ai reef na umano’y parte ng kanilang teriÂtoryo sa Spratlys.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Hong Lei, nananatili ang China sa kanyang hakbang na protektahan ang kanilang soberenya at teritoryo.
“We will never tolerate the Philippines’ illegal occupation of Ren’ai reef,†pahayag ni Hong.
Dahil dito, nasa “high alert†ngayon ang China laban sa Pilipinas sa posibilidad na magsagawa ang huli ng iba pang mga “provocative acts†sa South China Sea.
“The Philippine must accept the consequenÂces of what will happen,†banta pa ni Hong.
Kamakailan ay hinarang at pinalayas ng mga operatiba ng China Coast Guard (CCG) ang mga civilian ships ng Pilipinas na nagtangkang maghatid ng supply para sa mga tropa ng Pinoy na nagbabantay sa Ayungin.
Inakusahan ng China ang Pilipinas na nagpaplanong magtayo ng istraktura sa reef matapos na umano’y puno ng construction supplies ang pinalayas na dalawang barko ng kinontrata ng Philippine Navy na nagtangkang pumasok sa lugar.
Dahil dito, naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs sa Chinese Embassy sa Manila na agad ni-reject ng China.
Nagpahayag ang United States na ang ginawa ng China na pagharang sa mga barko ng Pilipinas ay “provocativeâ€.
Mula noong 1999, minamantine at may presensya na ng tropa ng Pilipinas sa Ayungin shoal kasunod ng pagsadsad ng Phl military ship sa lugar. Simula noon ay naging simbolo ng soberenya ng Pilipinas ang nasabing kinakalawang na barko na nakapuwesto sa lugar. Ang ibang claimant o umaangkin sa shoal ay regular ding nagdadala ng kanilang supply at nagkukumpuni ng kanilang outposts nang walang nakikialam o kumokontra na bansa.
Dahil dito, iginiit ng isang US State Department na ang provocative move ng China ay nagpapataas ng tensyon sa nasabing lugar.