Surigao, niyanig ng 5.4 na lindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.4 ang bahagi ng Surigao del Norte kahapon ng ala-1:30  ng hapon kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa layong 15 kilometro ng timog kanluran ng Malimono, Surigao del Norte.

Ang ugat ng pagyanig ay tectonic na may lalim ng 19 na kilometro sa lupa.

Ayon sa PHILVOLCS, naramdaman ang naturang lindol sa lakas na intensity 5 sa Placer, Surigao del Norte; intensity 4 sa Surigao City at intensity 3 sa Butuan City.

Wala namang naiulat na nasawi sa naganap na pagyanig pero inaasahan ang mga aftershocks.

Show comments