MANILA, Philippines - Hihikayatin na rin ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang mga senador na lumagda para sa pledge na nilagdaan ng mga kongresista sa Cha-cha.
Aminado naman si Atienza, na hindi niya ito maiÂdederetso kay Senate President Franklin Drilon kaya idadaan na lamang niya sa kanyang mga kaibigang senador dahil sa naging isyu noon sa kanilang partido.
Ipapaliwanag din umano niya sa mga senador ang sitwasyon ng Cha-cha resolution sa Kamara na inaasahang matatalakay pa sa Mayo.
Layon ng nasabing pledge na matiyak na hindi magagalaw ang ibang probisyon ng saligang batas maliban sa economic provision.
Matatandaan na sa Kamara ay lumagda na rin si Speaker Feliciano Belmonte sa pledge na palagay ni Atienza ay sapat na dahil kinakatawan nito ang mayorÂya ng mga kongresista.
Nakasaad sa pledge ang pagbibitiw ng mga lumagdang kongresista sa oras na magalaw ang iba pang probisyon ng konstitusyon na labas sa napag-usapan.