MANILA, Philippines - Tinatanggap ng dating hepe ng Pag-IBIG Fund na si Marikina Congressman Romeo Quimbo ang panukalang imbestigasyon sa ahensiyang dati niyang pinanguluhan at sa Globe Asiatique kasunod ng pagkakaaresto kamakailan kay Delfin Lee.
Dating presidente at chief executive officer ng Pag-IBIG Fund si Quimbo na nagsabing handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon sa umano’y kaugnayan niya sa anoÂmalya ng Globe Asiatique.
“Tinatanggap ko iyan. Lagi naman akong handa sa anumang pagdinig kapag hinihiling ako na linawin ang papel ko sa kaso ng Globe Asiatique. Kabilang sa mga naunang imbestigasyon ang sa House of Representatives at sa Senado at maging sa Ombudsman,†sabi pa ni Quimbo sa isang pahayag.
Malilinis anya ang kanyang pangalan sa imÂbestigasyon. “Para sa akin, ang mga imbestigasyong iyan ay isang daan para malinis ang pangalan ko,†sabi pa niya na nagdagdag na napawalang-sala na siya sa naunang imbestigasyon ng Ombudsman.
Lumilitaw sa rekord ng Ombudsman na, sa pagitan ng 2008 at 2010, ang Globe Asiatique Realty and Housing Corporation ay gumawa ng isang kasunduan sa Pag-IBIG fund para pinansiyahan ang mga proyektong pabahay para sa mga miyembro nito.
Sa isa namang resoÂlusyong may petsang Nobyembre 28, 2012, dinismis ng Ombudsman ang reklamo laban kay Quimbo. Sinasabi rito na recommendatory lang ang paglahok ni Quimbo sa umano’y anomalya.
Sinabi naman ni Vice President Jejomar Binay na tagapangulo ng Housing and Urban Development CoordinaÂting Council (HUDCC) na nangangasiwa sa iba’t ibang housing-related government units pati na ng Pag-IBIG na hindi pa libre si Quimbo.
Sinabi pa ni Binay na maaari pa ring makasuhan sina dating Vice President Noli de Castro (HUDCC chairman noon) at QuimÂbo batay sa mga bagong ebidensiya laban sa kanila.