^

Bansa

Gov’t pinakikilos sa overprice rice import

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat na agad kumilos ang gobyerno upang maparusahan ang mga nasa likod ng rice overpricing sa mga ini-import na bigas sa bansa.

Ayon kay Anakpawis partylist Rep. Fernando Hicap dapat imbestigahan ng Kamara ang naturang isyu dahil ipinapasa ang mataas na presyo ng bigas sa mga consumers na posibleng magdulot ng mala­lang food inflation.

Sabi pa nito na dahil sa planong pag-iimport ng bansa sa Vietnam ng 1million metric tons na bigas ay aabot naman sa halos 1 bilyong piso ang overprice kung saan ngayon pa lang ay nasa P3 ang idinagdag sa presyo sa National Capital Region.

Bukod sa overprice na rice imports at samu’t saring patong ay ibinebenta ng NFA ang kanilang bigas sa halagang P25 pero nasa P19-20 lamang dapat ang presyo.

Ang nakakapanghina pa umano ay magiging mahigpit na kakumpitensya ng mga local farmers ang ibebentang imported na bigas sa merkado lalo’t inaasahan na darating ang imported rice sa buwan ng Abril-Mayo na harvest season naman sa bansa.

 

vuukle comment

ABRIL-MAYO

ANAKPAWIS

AYON

BUKOD

DAPAT

FERNANDO HICAP

KAMARA

NATIONAL CAPITAL REGION

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with