Dayo tinadtad ng bala

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki na sina­sabing dumayo lamang ang napatay nang ba­rilin ng pitong beses ng hindi pa rin tukoy na salarin, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital ang biktimang inilarawan sa 40-45 anyos, may taas 5’4’’-5’7’’, katamtaman ang pa­ngangatawan, pinaniniwalaang  miyembro ng ‘Sputnik gang’, may tattoo na “Ayin” sa kanang daliri at tribal tattoo sa likurang bahagi ng katawan.

Sa SPO1 John Charles Duran ng MPD-Homicide Section, dakong alas-12:05 ng madaling-araw nang matagpuang duguan ang biktima sa Building 16, Temporary Housing Unit  sa Balut, Tondo, Maynila.

Sinabi ni Duran na walang nakakakilala sa biktima sa lugar.  

Inaalam pa ang motibo at mga pagki­kilanlan ng mga sangkot sa pangyayari. Dinala ang  bangkay sa Nathan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

Show comments