PNoy pinag-aaralan na ang kaso ni PMA cadet Cudia
MANILA, Philippines — Umabot na ang apela ng kadeteng nasipa sa Philippine Military Academy (PMA) kay Pangulong Benigno Aquino III, ayon sa isang opisyal ngayong Huwebes.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na pinag-aaralan na ng Pangulo ang gagawing desisyon sa kaso ni 1st Class Jeff Aldrin Cudia na sinipa dahil sa umano’y paglabag sa Honor Code ng PMA.
"Kanina lang po ay nandoon ako sa tanggapan ng Pangulo at sinabi niyang pinag-aaralan niya ang appeal," wika ni Coloma.
Kaugnay na balita: Honor Code ng PMA tatanungin ng Palasyo kung kailangan repasuhin
Nakatakdang maglabas ng desisyon si Aquino bago ang PMA graduation rites sa Linggo.
Nakasalaylay ang desisyon kay Aquino bilang commander-in-chief ng militar.
"Isa 'yan sa mga factors na tinitignan, the timeliness of the decision," banggit ni Coloma.
Kaugnay na balita: Cudia maaaring pagbayarin ng P2-M sa PMA
Sinabi ni Coloma na magiging patas ang desisyon ng Pangulo kaso ni Cudia kung saan makakaapekto rin ang rekomendasyon ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines (AFP).
"Lahat po ng mga relevant considerations ay isasaalang-alang ng ating Pangulo," pahayag ni opisyal.
Magtatapos sana si Cudia bilang class salutatorian ngunit sinipa ng PMA matapos magsinungaling sa dahilan ng kanyang pagkaka-late sa klase.
Umapela ang pamilya ni Cudia kahapon sa pamunuan ng AFP kasama si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta.
SInabi ng ama ni Cudia na ipaglalaban nila ang kaso ng kanyang anak upang hindi masayang ang pinaghirapan sa loob ng apat na taon sa PMA.
"Our family is united in this battle. We would like to thank all of you for supporting us. We also thank the Lord. With His help, we will be able to clarify everything. We are leaving it up to Him. It’s painful for our family, really painful but we see light at the end of the tunnel," banggit ni Renato Cudia.
- Latest