Singil sa kuryente bababa

MANILA, Philippines - Bababa ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Marso.

Ayon kay Atty. William Pamintuan, head for Legal Affairs ng Meralco, maaaring umabot ng 20 hanggang 30 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang bawas-singil sa kuryente. Ito’y dulot nang pagganda ng suplay ng kuryente mula sa spot market at ng malamig na klima sa bansa noong nakaraang buwan.

Ang singil ng Meralco para sa Marso ay nakabase sa konsumo ng mga consumers noong Pebrero, kung kailan nakaranas ang bansa ng malamig na panahon simula noong Disyembre.

 

Show comments