^

Bansa

PCOS machines pinapa-audit

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng isang election watchdog sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng full accounting at auditing ng 90,000 PCOS machine na nasa isang bodega sa Cabuyao, Laguna.

Iginiit kahapon ng Movement Against Graft and Abuse of Power kay COA chief Grace Pulido-Tan na magsagawa ito ng special audit investigation at inventory sa storage facility na dapat ay pinaglalagakan ng 90,000 PCOS machine sa Cabuyao.

Ayon sa spokesman ng grupo na si Jonathan Sinel, nakakuha sila ng impormasyon na nawawala na sa orihinal na warehouse facility ang nasa­bing mga PCOS machine sa kabila ng mga pending na election protest kabilang ang protesta ni DILG Sec. Mar Roxas sa vice-presidential race nito laban kay Vice-President Jejomar Binay at 32 protesta pa nitong 2013 elections.

“The unlawful transfer from where these PCOS machines were warehoused, configurated, repaired and maintained since acquisition in 2009- was without the requisite authority from the Presidential Electoral Tribunal (PET) where Mar Roxas’s and 32 other losing congressional candidates are pending,” wika ni Sinel.

Sabi pa ng grupo, tuwirang paglabag sa section 9 ng Batas Pambansa blg. 883 ang ginawa ng Comelec.

 

AYON

BATAS PAMBANSA

CABUYAO

COMELEC

GRACE PULIDO-TAN

JONATHAN SINEL

MAR ROXAS

MOVEMENT AGAINST GRAFT AND ABUSE OF POWER

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

VICE-PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with