Mall binulabog ng bomb scare

MANILA, Philippines - Binulabog ng bomb scare ang mga shopper at negosyante sa Pasalubong Center sa Rizal Avenue, Central Barangay sa Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.

Ayon kay PNP Regional Office 9 Spokesman P/Chief Inspector Ariel Huesca, ang insidente ay nagdulot ng pagkakabuhul-buhol ng trapiko  na umabot sa tatlong kilometro ang haba.

Sa imbestigasyon, nakatanggap ng re­port ang Dipolog City PNP kaugnay sa bom­bang nakatanim sa isang motorsiklo na ina­bandona at ilang oras ay sasabog na sa nasabing lugar.

Mabilis na nagpanakbuhan sa matinding takot ang mga shopper at maging ang kala­kalan ay  pansamantalang huminto ng bunga ng matinding takot.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Division ng pulisya kasama ang mga K-9 dogs kung saan ikinordon ang nasabing lugar saka sinuri ang motorsiklong sinasabing may nakakabit na bomba.

Narekober sa motorsiklo ang isang cassette player, cellphone charger na nakalaylay ang wire sa kaliwang steering handle na napag­kamalang cord ng bomba.

Matapos ang pagsusuri ay idineklarang ne­gatibo sa bomba ang ipinaradang motorsiklo.

Natukoy naman na ang motorsiklong ZEM/Sun riser SR110 na pag-aari ni Rodolfo Abitona na minaneho ni Gilbert Abitona ay naiwan lamang sa nasabing lugar.

 

Show comments