GoSakto ng Globe Telecom wagi

MANILA, Philippines - Nagwagi ang Globe Telecom sa Best Mobile Service category sa ginanap na 19th Annual Global Mobile Awards na inorganisa ng GSM Association (GSMA) sa Barcelona, Spain kamakailan.

Sa ilalim ng nasabing category, tinanggap ng Globe ang Best Network-based Solution for Serving Customers Award para sa Globe Prepaid GoSakto: Create Your Own Promo na tumalo sa entries ng iba’t ibang telco operators worldwide tulad ng Avea para sa Location-Based Push Notification Service, LG Uplus para sa U+Box, SpatialBuzz at Telefonica UK para sa Trusted Network Programme powered by SpatialBuzz, at TurkCell para naman sa TurkCell SMS+.

Sa pamamagitan ng Globe Prepaid GoSakto, ang mga customers ay maaari nang lumikha ng sariling promo bundles na sakto sa kanilang pangangailangan, swak sa budget at lifestyle sa pamamagitan ng isang easy-to-use menu, ang *143#. Upang tugunan ang digital lifestyle ng mga prepaid subscribers, inilunsad ng Globe kamakailan ang GoSakto mobile application na available sa Android at iOS smartphone users.

Matatandaan na tumanggap din ng pagkilala mula kay Facebook CEO Mark Zuckerberg sa Mobile World Congress sa Barcelona, Spain ang Globe Telecom dahil sa pagbibigay ng kauna-unahang free internet sa Pilipinas sa pamamagitan ng Free Facebook.

Show comments