Organ donation sign-up pang-Guinness
MANILA, Philippines - Isinagawa kahapon ang organ donation reÂgistration campaign na pinangunahan ng Department of Health (DOH) at Philippine Network for Organ Sharing (PhilNos) sa iba’t ibang lugar sa bansa para makahimok ng organ donors at makapagtala ng pinakamataas na organ donor sa Guinness Book of World Records.
Ayon kay Health Undersec. Ted Herbosa, layunin nitong matugunan ang malaking demand ng organ donors sa bansa.
Batay sa Philippine Information Agency Survey noong 2013, karamihan sa mga Pinoy ay handang mag-donate ng bahagi ng kanilang katawan ngunit para lamang sa kanilang pamilya at pinakamalapit na kaanak.
Sa kasalukuyan, nakapagtala lamang ang PhilNos ng 12,000 pasÂyente na sumailalim sa renal transplants dahil sa limitadong bilang ng mga organs na idino-donate. Kabilang umano sa mga pinakakailangang organs para sa transplantation ay bato, atay, baga at puso.
Ayon naman kay Dr. Antonio Paraiso, program manager ng Philnos, hawak ng India ang world record sa one-hour, single site na may 2,755; at ang eight-hour, single site record na may bilang na 10,450.
- Latest