MANILA, Philippines - Isang 28-anyos na overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi matapos na umano’y maglaslas ng pulso bago tumalon sa rooftop ng isang gusali sa Kuwait.
Kinilala ng Embahada ng Pilipinas ang OFW na si Amar Cabalfin Galang, tubong Tondo, Manila at isang fast food service crew sa Kuwait ng mahigit isang taon. Siya ay idineklarang dead-on-the spot sa insidente.
Base sa report, nakita ng kanyang kasamahan sa flat si Galang na hiniÂwa muna niya ang kanyang pulso sa palikuran at mabilis na tumungo sa rooftop ng may 8 palapag na gusali sa Mahboula noong Pebrero 21.
Sinubukan pa umanong pigilan at sundan ng kanyang kasamahan si Galang subalit nagbanta umano ang huli na huwag lalapitan kundi tatalon siya sa gusali.
Dahil dito, humingi na ng tulong ang mga Pinoy na kasamahan ni Galang sa security guard ng gusali subalit ng tangkaing kumbinsihin ay hindi rin nito pinakinggan.
Matapos nito, bumaba muli ang mga kasamahan ni Galang sa gusali upang humingi pa ng tulong sa mga pulis subalit na-shock ang mga ito nang tumalon na sa gusali si Galang.
Isang suicide note ang iniwan ng nasabing OFW para sa kanyang pamilya at nobya na nagsasaad ng kanyang pagmamahal, pamamaalam at pagpapatawad.
Nagpahayag na ng pakikisimpatya ang Embahada, employer at sa pamilya ng OFW at naÂngako na kanilang aayusin ang repatriation o pagpapauwi ng mga labi ng huli pagkatapos ng isinasagawang imbestigasyon ng Kuwaiti Police.
Tinitingnan ang anggulo na matinding depresyon at personal na problema ang nag-udyok sa biktima na magpakamatay.