^

Bansa

Ex-SC justices nabahala sa Chacha

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang retiradong ma­histrado ng Supreme Court sa pangunguna ni dating Chief Justice Reynato Puno ang nagpahayag kahapon ng pagkabahala sa panukalang amyenda sa mga pang-ekonomiyang probisyon ng Konstitusyon.

Ipinahiwatig ni dating Justice Vicente Mendoza na ilang probisyon ng Kons­titusyon ang magi­ging mabuway at walang katiyakan kapag ipina­tupad ang panukalang am­yenda.

“Magiging pabago-bago at pansamantala anya ang mga patakarang nakatadhana sa Saligang-Batas kung la­ging babaguhin ang mga probisyon nito lalo na sa mga ipinagbabawal nito alinsunod sa kagustuhan ng Kongreso,” sabi pa ni Mendoza nang magsalita siya sa isang pagdinig sa House of Representatives Committee on Consti­tutional Amendments kamakailan.

Sa kasalukuyan, ipinagbabawal ng Konstitusyon na makalahok ang mga dayuhan sa mga economic activities na eksklusibo lang para sa mga Pilipino, Filipino corporations at associations.

Sinabi pa ni Mendoza na, kung tuluyang ipapa­ubaya sa Kongreso ang pagdedesisyon kung tatanggalin o hindi ang probisyong nagbabawal sa mga dayuhan na lumahok sa lokal na economic activities, mas makakabuting tanggalin na ito nang permanente kaysa sa maging pansamantala lang.

Ikinababahala rin ni Mendoza na ang panukala ay magbibigay sa Kongreso ng kapangyarihang magpatibay ng batas na bukod pa sa itinatadhana ng Konstitusyon.

Ayon naman kay Puno, mapanganib ang panukala. ‘Ang mungkahi ko, doon tayo sa ligtas. Iwasan natin ang hindi kinakailangang peligro.”

Naniniwala rin sina Puno at Mendoza na dapat magkaisamang magpulong ang Senado at Kamara sa panukalang amyenda ng Konstitusyon habang magkahiwalay na magbobotohan.

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

HOUSE OF REPRESENTATIVES COMMITTEE

JUSTICE VICENTE MENDOZA

KONGRESO

KONSTITUSYON

MENDOZA

PUNO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with