Foreign donors, pinili ang Albay reconstruction model

MANILA, Philippines - Pinili at inendorso ng mga foreign donors sa post Yolanda reconstruction sa Kabisayaan ang Albay “geostrategic redevelopment” model para sa pagsasagawa ng mga “disaster resilient communities” na pinupondohan nila sa Leyte at Samar ang iba pang bahagi ng bansa.

Dalawa sa naturang foreign donors ay ang JICA o Japanese International Cooperation Agency at Agencia Espanol de Cooperacion Internacional para el Desarollo (AECID) ng Espana.

Katulad ng Leyte at Samar, ang Albay ay matindi ring sinalasa ng mga bagyo at kalamidad sa nakalipas, na ang pinakamatindi ay si Typhoon Reming noong 2006. Sa pamamagitan ng ‘build-back-better-elsewhere’ strategy nito, nakabangon agad at masigla na ang ekonomiya ng lalawigan.

Sa ginawang pag-aaral ng isang British think tank na binanggit din ng World Bank sa climate study nito sa Pilipinasa, pareho nilang nilang kinilala ang kahusayan at bisa ng Albay reconstruction model.  

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, pinili ng AECID ang Albay model para sa mga pamayanang tinutulungan nito sa Kabisayaan. Kamakailan ay binago at lalong pinalakas ng AECID at Alba y ang kanilang pagtutulungan.

Sinabi ni Salceda na siyang chairman ng UN Green Climate Fund, na hiniling kamakailan ng AECID ang tulong ng Albay sa pagbalangkas ng “financial framework, resource allocation and strategy” para sa mga proyekto nito sa Leyte at Samar batay sa mga ginagawa na ngayon sa Albay. Gaya ng AECID, humuhugot din ng mga aral ang JICA sa matagal nang pakikipagtulungan nito sa Albay para sa mga pamayanang tinutulungan din nito mula sa pagkaluray ni Yolanda.

Show comments