GAB Medical Memorial Center, hi-tech na rin

MANILA, Philippines - Dahil sa makabagong kagamitan, tiniyak ng pamunuan ng Gat Andres Bonifacio Medical Memorial Center na maaari nang makuha sa loob lamang ng isang oras ang mga resulta ng laboratory test ng isang pasyente.

Ayon kay GABMMC Director Dr. Luisa Aquino, malaking tulong sa kanila ang mga  makabagong kagamitan dahil mas mapapadali  ang pagkuha ng lab test ng mga pas­yente at hindi na kaila­ngan pang  maghintay ng matagal. Aniya, dati ay umaabot ng isa hanggang dalawang araw bago makuha ang resulta.

Batay sa memorandum of agreement ng  City of Manila at ng MSR Healthcare, mas cre­dible  at accurate ang resulta ng mga laboratory test  dahil ang mga nasabing la­boratory equipment  ay advanced technology.

Kabilang sa mga kaga­mitan ay ang ADVIA na gamit para sa Complete Blood Count (CBC), RAPID Machine na para sa Artilary Blood Castle, Biometriuex na magdedetermina ng  mga tumor  at Dimension na para naman sa  high blood, cholesterol at liver failure.

Nabatid  kay Aquino   ang GABMMC ay ikatlo ng ospital sa lungsod ng Maynila na tinulungan ng  MSR, kabilang din dito ang Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital.

Binigyan diin naman ni Manuel S. Reyes, CEO ng MSR healthcare, malaking kaginhawaan ito sa mga pas­yente dahil maaagapan  ang kanilang mga sakit.

 

Show comments