MANILA, Philippines - Nababahala ang ilang Obispo ng Simbahang Katolika na maging iskuwater sa sariling lupain ang mga Pilipino sa sandaling maisulong ang panukalang Charter Change.
Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na magiging “squatters†na lamang sa Pilipinas ang mga Pilipino kapag nagtagumpay ang mga mambabatas at ang Malacañang na baguhin ang economic provisions ng 1987 Constitution.
Hindi aniya napapanahon ang charter change dahil hindi mapagkakatiwalaan at kuwestiyunable ang competence ng executive at legislative department.
Sinabi naman ni Association of Major Religious Superiors in the Philippines executive secretary Father Marlon Lacal na mawawala ang “right to ownership†ng mga Pilipino kapag nabago ang economic provisions ng 1987 constitution.
Naniniwala si Father Lacal na sa halip na baguhin ang economic provisions ng Saligang Batas ay dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno at mga mambabatas na masugpo ang katiwalian at sabwatan sa pagnanakaw ng pondo o pera ng bayan.
“Hindi lamang mayayamang investor kundi yung national sovereignty provision safeguarding ng right to ownership ng mga Pilipino eventually ay mawawala. Hahayaan ba natin yung pag-aari ng mga negosyo at ari-arian sa Pilipinas ay kukuhanin ng mga dayuhan? precisely this will be threat to national sovereignty and threat for national provisions,†pahayag ni Father Lacal.