MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado kahapon dahil sa umano’y anomalya sa milyon-milÂyong pondo ng pamahalaang panlalawigan.
Sa reklamo ng isang Antonio Manganti ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan binanggit nito ang audit report na inilabas ng Commission on Audit (COA), kung saan nagkaroon umano ng mismanagement sa pondo ng lalawigan, gaya ng unliquidated cash advance ng intelligence fund ng gobernador na nagkakahalaga ng P197.5 milyon bukod pa ang P200.25M unliquidated cash ng iba’t ibang pinuno ng kapitolyo ng Bulacan.
Ayon pa rin sa COA report, nag-hire ng maraÂming job order, contractual at consultants ang Kapitolyo na hindi umano kuwalipikado. May 72 consultants, 645 casual employee,371 job order, 271 contractual, 244 service contract. Kasama umano sa consultant ng Kapitolyo ay mga pari at bishop mula sa iba’t ibang sekta.
Sumobra rin daw ng P89.82 milyon ang donasyon na ipinamahagi ni Alvarado sa iba’t ibang non-governmental organization ng walang accreditation mula sa Sangguniang Panlalawigan.
Gumagastos umano ito ng hindi naka-plano sa Annual Procurement Plan na naaayon sa batas. Nabatid na bumibili ang kapitolyo ng equipment, supplies materÂyales para sa gawaing pang-mprastraktura.
Kasama ring kinasuhan sina Belinda Bartolome, Provincial Treasurer; Marina Flores, Budget Officer; Maritess Friginal, Accountant; Arlene Pascual, Planning and development coordinator; Jim Valerio, Provincial Administrator and Bids and Awards Committee Chairman at Engr. Marina Sarmiento, General Services Officer.