MANILA, Philippines - Dalawang tsekeng buong nagkakahalaga ng $10,000 ang ipinagkaloob ng pangkawanggawang grupong MasoniCare NSW sa Down Syndrome New South Wales noong Pebrero 15.
Isang charitable arm ng Unified Grand Lodge ng NSW&Act na kinakatawan ni Deputy Grand Master RWBro Jamie Melville ang MasoniCare NSW.
Ang kawanggawang ito ay pinasimulan ng isang grupo ng mga Sydney Freemasons mula sa iba’t-ibang Lodges na bumubuo sa isang Masonic Social group na tinatawag na “Pagong Ako Kuyang†o PAK, Sydney Pond.â€
Nakaisip sa proyektong ito si Masonic Brother Turtle Oliver Gadista ng Lodge Jose Rizal. Isa siyang songwriter, producer at artist.
Hinikayat niya ang isang grupo ng mga Mason na kumanta at magrekord ng mga Christmas song na ipoprodyus at ibebenta sa isang CD album na pinamagatang “True Lights of Christmas.â€
Sa benta ng mga CD ay nakalikom sila ng $5,000. Tinumbasan ito sa dollar ng MasoniCare NSW kaya $10,000 ang naipagkaloob nila sa Down Syndrome NSW.
Nagpasalamat naman si Tracy Arestides ng Down Syndrome NSW sa donasyon at sa Freemasons na ngayon lang niya nakilala bilang isang fraternity.
Ang donasyon ay makakatulong anya sa mga magulang na merong mga anak na apektado ng “down syndrome.â€
Dumalo sa presentasyon ang ilang 65 panauhin kabilang ang ladies, the Grand Senior Warden, RWBro Antoine Georges at iba pang Masons.
Ang Pagong Ako Kuyang, Sydney Pond ay isang bagong tatag na Masonic social group na nakabase sa Sydney na iwinangis sa kagayang grupo (Pagong Ako Kuyang, Pilipinas) sa ilalim ng hurisdiksyon ng Grand Lodge of the Philippines.