^

Bansa

Na-late ng 2 minuto sa klase No. 2 sa PMA Class 2014, di gagradweyt?

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Namemeligrong hindi umano maka-gradweyt ang isang kadete na kandidatong Number 2 sa mga magsisipagtapos sa Philippine Military Aca­demy (PMA) Class 2014 matapos umanong luma­bag sa ‘honor code’ ng premyadong institusyon nang mahuli ng 2 minuto sa kaniyang klase sa Baguio City.

Kahapon kinalampag ni Annavee Cudia, kapatid ni Cadet Aldrin Jeff Cudia ang liderato ng PMA at Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) hinggil sa kaso ng kaniyang kapatid na umano’y biktima lamang ng makikitid na pag-iisip ng mga tactical officer nito.

Si Cudia, kandidatong number 2 sa PMA Siklab Diwa Class 2014, ay nag-top sa Navy Class at isa ring Deputy Baron.

“Tiniis ng kapatid ko ang pahirap sa PMA upang makatapos ng pag-aaral nguni’t nga­yon dahil lamang nahuli ng dalawang minuto sa isang klase ay hindi na siya papayagang maka-graduate,” pahayag ni Annavee sa kaniyang  liham na humihiling na huwag ipagkait ang honor at graduation sa kaniyang kapatid.

Sinabi ni Annavee na mahirap lamang ang kanilang pamilya na taga-Arayat, Pampanga na noong nasa kolehiyo pa ay iginagapang ng kanilang mga magulang ang pag-aaral nilang apat na magkakapatid na pumapasok ng walang laman ang tiyan.

Isang buwan ng nakakulong sa Holding Center si Cudia na ayon kay Annavee ay pinagbibitiw at pinaalis na sa aka­demya.

“Daig pa niya si Napoles. Bawal ang bisita kahit kadete o pati Chaplain ng PMA. Inanunsiyo na ng kanilang Commandant na dismissed na siya. At ito ay dahil lamang nahuli siya ng 2 minuto sa klase. Nang nangyari ito, binigyan siya ng 11 demerits at 13 hours of touring at ginawa niya ito,” ayon pa rito.

“Nang tinanong si Aldrin bakit siya nahuli, sabi niya nahuli ng pagdismiss ang propesor nila. Sabi ng Honor Committee ay kasinungalingan daw yun at dapat daw ay sinabi niya “pinahintay kami ng propesor pagkatapos ng klase.” Hindi ba pareho lang naman yun? Dahil ang kasinungalingan daw ay violation ng ho­nor code, dismissal agad ang recommendation ng Honor Committee,” giit pa nito kung saan inamin rin mismo ng titser ng kaniyang kapatid na na-late siya ng pag-dismiss sa mga kadete.

Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col Ramon Zagala II, ang kasong ito ay pinaiimbestigahan na ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista.

ANNAVEE

ANNAVEE CUDIA

ARMED FORCES OF THE PHI

BAGUIO CITY

CADET ALDRIN JEFF

CHIEF OF STAFF GEN

COL RAMON ZAGALA

CUDIA

HONOR COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with