MANILA, Philippines - Nagbanta si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na ipahihinto ang pagdinig sa Charter change kapag isiningit ang political provisions tulad ng pagpapalawig sa term limits.
Ang Chacha resolution ni Belmonte ay nagsisingit lamang ng katagang “unless otherwise provided by law†sa economic provisions para mas madali itong amyendahan sa pamamagitan ng ordinarÂyong sistema ng lehislasÂyon.
Tiniyak ng Speaker na siya mismo ang magpapatigil ng hearing ng Chacha kung sa tingin nito ay masisingitan ng political provisions dahil mistulang misleading umano ito sa publiko dahil ang alam lamang ng tao ay simpleng pag-amyenda lamang ito sa ekonomiya.
Nilinaw pa nito na matagal pa ang prosesong pagdaraanan ng kanyang resolution dahil kabilang sa mga konsultasyon dito ang mga kongresista, senador at si Pangulong Aquino na may kapangyarihan na mag-veto ng isang panukalang batas na ipinasa ng kongreso.
Umaasa si Belmonte na matatalakay sa plenaryo ang Chacha pagkatapos ng Lenten break ng Kongreso at makakakuha ng sapat na boto.
Ang pahayag ng Speaker ay sa gitna ng pangamba ng ilang mambabatas kabilang ang Makabayan at Independent Minority Bloc na posibleng maging daan ito upang magkaroon ng pag-amyenda sa ilang political provisions ng Konstitusyon.
Kahapon ay sinimulan na ang pagdinig ng Chacha ng House Committee on Suffrage.