MANILA, Philippines - Tatlong kompanya ng langis ang nagtaas ng presyo ngayong Martes ng umaga.
Nagpatupad ng dagdag P1 kada litro sa gasolina ang Petron Corporation at Shell Philippines kaninang 6 ng umaga, habang 40 sentimo kada litro naman sa diesel at 25 sentimo kada litro sa kerosene.
Sumunod din ang Total Corporation sa oil price hike ngunit hindi gumalaw ang presyo nito ng kerosene.
Ang muling pagtataas ng halaga ng langis ay bunsod umano ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
Naglalaro ang halaga ng gasolina mula P54.95 kada litro, habang P44.85 kada litro naman ang diesel.