MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng AboÂlish Pork Movement sa Commission on Audit (COA) ang bilyon-bilyong pisong halaga ng mga proyekto ng administrasÂyong Aquino mula taong 2011 at 2012 sa ilalim Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ang hakbang ay iginiit ng naturang grupo sa COA nang ang mga miyembro nito na pinanguÂngunahan ng isang Mary John Mananzan ay sumugod kahapon ng umaga sa naturang ahensiya para ibigay ang kanilang liham kay COA Chairperson Grace Pulido-Tan.
Gayunman, inisnab naman ni Tan ang kanilang kahilingan na ma-audit ang DAP project ng pamahalaang Aquino bagkus ay binigyan ang naturang grupo ng kopya ng 2011 annual financial report na nagsasaad ng mga proyektong ginasÂtusan ng mga ahensya ng pamahalaan.
Inabisuhan sila ni Tan na hanapin na lamang sa talaan ang mga proyekto ng pamahalaan na nais nilang masuri. Binigyang diin ni MaÂnanÂzan na pina-o-audit nila ang mga DAP projects ng pamahalaang Aquino dahil sa paniwalang wala itong positibong epekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Partikular na pina o-audit ng naturang grupo ang P53 bilyong halaga ng 12 proyekto ng pamahalaan tulad ng P5.4 bilÂyong pondo ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ipinambayad sa mga land owners, P5.5 bilyong infrastructure project na inirekomenda ng mga lokal na pamahalaan noong 2011, P6.5 bilyong Local Government Unit (LGU) support fund ng DILG at Department of Budget and Management (DBM) at ang mahigit P8 bilyon para sa priority local projects nationwide.