'Wala akong kasalanan sa taumbayan' - Jinggoy

Senador Jinggoy Estrada. File photo

MANILA, Phippines –  Sa kanyang ika-51 kaarawan, muling binanatan ni Senador Jinggoy Estrada ang ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa bilyun-bilyong pork barrel scam.  

Kinuwestiyon ni Estrada ang naging pahayag ni Committee Chairman TG Guingona nitong Huwebes nang humarap sa pagdinig ang pinakabagong “provisional” state witness Ruby Tuason.

"Ang sabi ni Secretary De Lima, ang inyo daw pong testimonya ay parang isang 'slam dunk.' Sa tingin ko, hindi lamang ito isang slam-dunk. Kung paninindigan po ninyo ang mga bagay na sasabihin ninyo, baka po isang three-point shot. Isang three-point shot na buzzer beater na, winning shot pa,” pahayag ng senador kay Tuason.

Kaugnay na balita: Pagpuri ni Guingona sa testimonya ni Tuason, foul

Dahil dito ay kinuwestiyon ito ni Estrada na kabilang sa mga mambabatas na nadadawit sa pang-aabuso umano ng Priority Development Assistance Fund.

“Is it right for the chairman of a committee to prejudge the outcome of any hearing?” banggit ni Estrada sa kanyang privilege speech ngayong Lunes.

“What's the need for another hearing if he (Guingona) has already judged me as guilty?” dagdag ng senador.

Kaugnay na balita: Tuason nahihirapang ilaglag ang mga kaibigan - Cayetano

Aniya, nasasaktan siya sa mga nangyayari dahil nasisiraan siya kahi malinis ang kanyang konsensiya.

“It's unfair. I've been demonized in the newspapers, hogging headlines. I feel so hurt by the statements made by (Guingona),” wika ni Estrada.

“Para husgahan ako na guilty, hindi ako papayag, dahil wala akong kasalanan sa taumbayan!”

Kaugnay na balita: Tuason maraming hindi naisiwalat sa Senado

Sinabi pa ng senador a kaya niyang ipaglaban ang kanyang sarili at iginiit na maliis ang kanyang konsensiya.

“We're being tried by publicity here. Never did I ask any help from any of my colleagues here, because I can defend myself,” sabi ni Estrada. “My conscience is clear and I can defend my case in court.”

Show comments