Trader niratrat sa tindahan

NUEVA ECIJA , Philippines  â€“ Nasa malubhang kalagayan ang 51-anyos na babaeng negosyante makaraang pagbabarilin ng hepe ng bantay-bayan at ng isa pang kasabwat nito sa tindahan sa Barangay Luyos, bayan ng San Antonio, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erlinda Lata y Villamayor na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa kaliwang balikat at kaliwang bahagi ng katawan. Nasakote naman ng mga tauhan ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ang suspek na si Michael Santos y Elemen, chief ng bantay-bayan sa nasabing barangay habang tugis naman ang kasabwat nitong si Edgar Salonga. Nabatid na bumibili ng tinapay ang biktima sa tindahan malapit sa kanyang bahay nang lapitan at ratratin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.

 

Show comments