PUV operators hahabulin na rin ng BIR
MANILA, Philippines - Target na ring habulin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga operator ng mga public utility vehicles tulad ng jeep, bus, taxi, AUVs at iba pa.
Ito ay makaraang ianunsiyo ni BIR deputy Commissioner Estela Sales na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makagawa ng mga paraan at sistema sa kung paano mapapagbayad ng tamang buwis ang transport sector.
Partikular na nais ng BIR na ipasumite ng LTFRB sa mga operator ang kanilang income tax returns sa tuwing magrerenew ng kanilang lisensiya.
Anya, kapag naipatupad ang naturang hakbang, mabilis na madedetermina ng BIR ang mga PUV operators na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan. Sinasabing bilyong piso ang nawawala sa pamahalaan dahil sa di pagbabayad ng tamang buwis ng mga PUV operators.
Noong 2012, 26,483 units ng bus ang nabigyan ng prangkisa ng LTFRB, mahigit 20,000 ang jeep, mahigit 10,000 ang taxi at mahigit 5 ang mga AUVs.
- Latest