MANILA, Philippines - Umani agad ng suporta ang fund campaign na inilunsad ni Albay Gov. Joey Salceda na naglalayong lumikom ng pera at suporta para kay Michael Christian Martinez, ang nag-iisang kinatawan ng Pilipinas sa ginaganap na 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia na nagsimula nitong nakaraang linggo.
Kaagad lumaki ng mahigit na 62,000 tagaÂsuporta ang kampanya at nakalikom ito ng halos P100,000 noong Martes, Pebrero 10. Magtatapos ang kampanya sa hatinggabi ng Biyernes, Valentines Day.
Inilunsad ni Salceda ang fund drive sa kanyang Facebook account. Tinagurian niya itong “Piso-piso para sa Orgulyo (pride) kan Pilipino†at ibinigay dito ang buong isang buwang suweldo niya. Ibibigay ang malilikom sa pamilya ni Martinez na nahihirapan diumano sa pagtustos sa mga pangangailangan niya habang nasa Russia.
Si Martinez, 17, ay mula sa Muntinlupa City. Siya ang kauna-unahang Pinoy figure skater na nagbandila ng Philippine flag sa Winter Games. Kauna-unahan din mula sa Southeast Asia.
Mag-isang nagmartsa si Martinez, iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas, sa seremonyang pagbubukas ng Winter Games noong Pebrero 7 sa Sochi. Tiniis niya ang nakapaninigas na ginaw doon, na pangunahing kalaban ng mga kasali sa naturang palaro mula sa mga tropical countries. Sa Lake Placid, New York, USA, nalinsad ang kanyang tuhod nang lumaban siya sa 2012 Junior Grand Prix, kung saan pang-anim siya sa mga nanalo.
Sa kanyang Facebook account, inudyukan ni Salceda ang mga nais tumulong kay Martinez: “Sige pa. . . its not the money but the act of will of physically articulating our inner desire that really matters. That will give him the aura of a winner, that winning form and movement during the competitions knowing fully well that an entire nation is solidly behind him in thought and even in muscle memory. That we will be there to catch him when he falls so he can be bolder.â€
Nagtalaga si Salceda ng ingat-yaman at bank account para sa kampanya. Inamuki rin niya ang lahat na department heads ng Albay Capitol, mga lungsod at bayan ng lalawigan, ang Association of Barangay Captains at ang kanilang pederasyon, iba pang mga samahan at mga kaibigan na tumulong din.
Nagsimulang mag-skating si Martinez noong 2005 sa SM ice rink.