MANILA, Philippines - Binigyan muli ng isang buwang palugit ang isang OFW na bibitayin sa Saudi Arabia upang mabigyang pagkakataon ang pamilÂya nito na makalikom ng hinihinging P40 milyong blood money kapalit ng kanyang buhay at kalayaan.
Ayon kay Vice President Jejomar Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFW Concerns, senyales ito sa tsansa ng Pinoy na si Joselito Zapanta na maaaring hindi na ma-execute o mabitay.
“We were given another one month extension,†dagdag pa ni Binay.
Si Zapanta ay hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot sa kanyang ulo matapos niyang mapatay ang Sudanese na si Imam Ibrahim dahil sa awayan sa upa ng kanyang tinitirhang bahay sa Saudi noong 2009.
Naunang binigyan ng pagkakataon ng pamilya ni Ibrahim si Zapanta na ibigay ang hinihiÂnging 4 milyong Saudi riyal (SAR) noong Nov 12, 2012 na na-extend noong Marso 12, 2013 kapalit ng tanuzul o affidavit of forgivenes subaÂlit bigo na maibigay ito.
Ang ikalawang extension na hiniling ng pamahalaan ay napagbigyan hanggang sa maitakda ang deadline noong Nobyembre 3, 2013. Gayunman, dahil sa laki ng nasabing halaga, bigo pa rin ang pamilya Zapanta na maipasa ang blood money.
Unang nag-demand ang pamilya ng Sudanese ng SAR 5 milyon hanggang mapapayag na maibaba ito sa SAR 4 milyon sa pakikipag-usap na rin ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs at Embahada ng Pilipinas sa Riyadh.
Nitong nakalipas na linggo, inianunsyo ni Binay ang pagbibigay ni Pangulong Aquino ng “substantial amount†upang makadagdag sa kakailanganing blood money ni Zapanta.
Sinabi ni Binay na patuloy na nakikipag-negosasyon ang pamahalaan sa pamilya ng biktima na mas babaan pa ang halaga ng blood money.
Dahil sa kakulangan pa sa blood money, muÂling umapela si Binay sa publiko na tumulong upang tuluyan nang mabuo ang nasabing halaga at masagip sa bitay si Zapanta.