MANILA, Philippines – Nakiusap ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines ngayong Martes sa mga Ads Standard Council at TV networks na tigilan na ang pag-ere ng mga condom advertisement.
"Corruption of values and minds ng kabataan ang idinudulot ng commercial ng condom. Nasa primetime hour ito, mga kabataan ang nakakakita niyan. Ipinagpilitan natin na dapat may patnubay at gabay ng magulang. As I said, these ads are corrupting the minds and the hearts of our young people,†pahayag ni Father Melvin Castro, CBCP-Episcopal Commission on Family and Life executive secretary.
"So we are appealing to concerned agency, sana i-review nila ang ads na may paggalang sa mga may murang edad,sikat na artista pa naman ang model ng ads. Kasi obviously malaki ang kita dyan," dagdag niya.
Bukod dito ay dismayado rin ang pari sa patuloy na pag-ere ng mga commercial ng condom sa kabila ng temporary restraining order na inilabas ng Korte Suprema kontra Reproductive Health Law.
"It only shows na with or without the RH law they can do everything they want. The mere fact na nakapagpatalastas sila ng ganyan it only goes to show na hindi talaga kailangan ang batas. Hindi kailangan ang batas upang ipatupad ang kanilang mga adhikain na ganyan," wika ng pari.
Sinabi pa ni Castro na dapat ay respetuhin ng TV networks at Ads council ang bawat paniniwala ng relihiyon sang-ayon na rin sa code of ethics ng bansa.