^

Bansa

2nd warrant, ipinalabas ng Manila RTC Reghis Romero pinaaaresto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinaaaresto ang kilalang bilyonaryong negos­yante na si Reghis Romero dahil sa akusasyong nagugulangan nito ang gobyerno kaugnay sa iligal umanong pagpapa-upa sa lupaing pag-aari ng pamahalaan.

Nabatid na dalawang magkahiwalay na warrant of arrest ang ipinalabas ng Manila  Regional Trial Court (RTC) Branch 19 laban kay  Romero sa  kasong estafa, na inisyu noong Nobyembre 7, 2013 at nitong Enero 27, 2014.

Nag-ugat ang kaso noong Abril 18, 2012 at Mayo 22, 2012  na inihain ng  Home Guaranty Corporation (HGC) laban kay Romero at sa  kanyang property manager na si Alexander Lapore.

Ang mga lupain na pag-aari umano ng HGC sa  Manila Harbour Centre (MHC) ay  pinauupahan at kinokolekta nina Romero sa AWECA Cargo Services  at hindi naman  inire-remit sa HGC. Bukod pa ito sa iligal ding pagpapa-upa ni Romero at Lapore sa isa pang lupaing pag-aari din ng HGC na matatagpuan sa Manila Harbour Centre sa Marjovic Trucking, Rubenori Trading at Trans global Trucking na hindi rin isinusurender ang bayad sa HGC.

Ang mga property na pagmamay-ari ng HGC sa loob ng MHC ay bahagi ng asset pool na  inilipat sa pangangasiwa ng HGC, nang kunin na nito ang obligasyon sa pumalpak na  1993 Smokey Mountain Development and Reclamation Project (SMRDP).

Ang SMRDP ay joint venture sa pagitan ng National Housing Authority at ng R-II Builders na kumpanya ni Romero para sa pagko-convert sa tambakan ng basura ng  Smokey Mountain sa housing project, kabilang umano sa kontrata ang reclamation sa mga lugar na dapat na binalikat ng R-II builders sa bahagi ng Radial Road o R-10 na hindi umano natugunan.

Bunga ng pagkabigo ng R-II builders sa naturang proyekto, nasuspinde ang development ng housing project ng SMRDP hanggang sa maaprubahan na ang securitization concept ng pagbuo ng pondo para maipagpatuloy ang proyekto subalit ito ay ang Smokey Mountain Asset Pool Formation Trust Agreement (SMAPFTA) at pagpasok ng HGC.

Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng nakalap na pondo sa pag-isyu ng bonds na tinawag na Smokey Mountain Project Participation Certificates (SMPPCs).

Kabilang sa proyekto ang 21.2 ektaryang Smokey Mountain sa Tondo, Maynila, 79 ektar­yang Manila Bay foreshore property na i-re-reclaim at shares sa Harbour Centre Port Terminal Inc. (HCPTI).

ALEXANDER LAPORE

CARGO SERVICES

HARBOUR CENTRE PORT TERMINAL INC

HGC

HOME GUARANTY CORPORATION

MANILA BAY

MANILA HARBOUR CENTRE

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with