MANILA, Philippines - Bumuo si Pangulong Benigno Aquino III ng “Blood Money committee†na siyang magbibigay ng rekomendasyon kung paano tutugunan ng gobyerno ang mga problema ng mga OFW’s na nasa death row na hinihingan ng blood money.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bagama’t hindi natalakay ang kaso ni Joselito Zapanta ay nais ng Pangulo na magkaroon ng permanenteng komite na hahawak sa kaso ng mga OFW’s na kailangan ang blood money.
“The President wanted a response… wanted a clear-cut policy on that and for that reason, the President formed a permanent committee to study the…To review each and every case and to come up with guidelines, clear guidelines on how our government should deal when it comes to each and every case deaÂling with blood money,†sabi ni Sec. Lacierda.
Ang permanent committee ay bubuuin ng Vice President, Executive Secretary, Justice Secretary, Foreign Affairs Secretary, Budget and Management Secretary, Health Secretary, Labor and Employment Secretary, at Social Welfare and Development Secretary.
Sinabi ni Lacierda, nais makabuo ang gobyerno ng clear-cut policy sa mga sitwasyon ng mga OFW’s na may kaso at nahaharap sa parusang bitay partikular sa Middle East kung saan ay hinihingan ng blood money ng pamilya ng kanilang biktima.
“The President wanted very clear guidelines on that and not a response that is very situational. And so into that there are some concerns, there were some questions that the President wanted this permanent to study. So pag-aaralan po ito ng permanent committee,†paliwanag pa ni Lacierda.
Siniguro naman ng Palasyo na tutulungan nito ang mga OFW’s na may mga kaso lalo ang naÂngangailangan ng blood money tulad ni Joselito Zapanta upang hindi maÂtuloy ang bitay sa kanila.