Trust rating ng mga Pinoy sa China bagsak mula 2012

MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) na mula noong 2012 ay “negative” ang trust rating ng mga Pilipino sa China.

Sinabi ni SWS President Mahar Mangahas na nasa -17 percent ang trust rating ng Piliinas sa China nitong nakaraang taon.

Kasalukuyang nasa isang territorial dispute ang Pilipinas dahil sa pag-aangkin ng China sa buong South China Sea (West Philippine Sea) dahil sa exclusive economic zones ng dalawang bansa.

Samantala, +82 percent naman ang trust rating ng Pilipinas sa Estados Unidos nitong 2013.

Lumabas din sa survey na +73 percent ng mga Pinoy ay suportado ang ginawang pagdala ng kaso sa teritoryo sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS).

Sang-ayon din ang mga Pinoy (+70 percent) na humingi ng tulong ang gobyerno sa ibang bansa sa kaso ng agawan ng teritoryo.

"The overwhelming support of the Filipino people for the arbitration case and our rules-based approach to the West Philippine Sea dispute proves that taking a principled stance, one that is based on respecting the rule of law and pursuing peaceful settlement of disputes, strongly resonates with the Filipino people," pahayag ni DFA Spokesperson Raul Hernandez.

Show comments