Babala ng solon Epekto ng sanction ng HK paghandaan na!
MANILA, Philippines - Para mapaghandaan ang magiging epekto sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ng sanction na ipinataw ng Hong Kong sa Pilipinas, pinagÂlalatag na ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian ng contingency plans ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay GatchaÂlian, kailangang maglatag na ng contingency plan ang DOLE kung sakaling idamay na ng Hongkong sa sanction ang mga Pilipinong nagtatrabaho doon dahil na rin sa hindi paghingi ng paumanhin ng Pilipinas bunsod sa Manila hostage crisis noong 2010.
Sa kasalukuyan, ang apektado pa lamang sa sanction ng Hongkong ay ang mga opisyal ng gobyerno na inoobligang kumuha na ng visa kung papasok sa kanilang bansa.
Subalit masusundan pa umano ito at pinaÂngangambahang susunod nang papatawan ng paghihigpit ang libo-libong OFWs sa Hong Kong.
Iginiit ni Gatchalian na dapat paghandaan agad ito ng gobyerno kasama ang reintegration program kung saan tutulungan ang mga maapektuhang OFWs na makapaghanap muli ng trabaho.
Bukod dito, kailangang maglatag ng alternatibong job markets ang DOLE at ng mga proyekto para sa retraining o skills upgrading ng mga OFWs.
Samantala, iginiit kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi ito hihingi ng public apology sa Hong Kong.
Naging epektibo na kahapon ang kanselasyon ng Hong Kong government sa visa-free access para sa mga Philippine officials at diplomatic passport holders na nais pumasok sa HK.
Sinabi ni Pangulong Aquino na iniiwasan niyang magkaroon ng legal liability sa oras na mag-sorry siya sa Hong Kong government kaugnay ng Manila Hostage siege noong 2010 kung saan ay 8 Hong Kong nationals ang nasawi.
Ayon sa Pangulo, ang Chinese government nga ay hindi pa nagbabaÂyad ng compensation sa mga pamilyang Pilipino na napatay sa mainland China hanggang ngayon.
Winika naman ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., handa ang gobyerno na harapin ang nasabing hakbang ng Hong Kong government.
Sinabi pa ni Sec. Coloma, dapat manatiling mahinahon ang mga OFW sa Hong Kong dahil paÂngangalagaan ng gobyernong Aquino ang kanilang kapakanan.
“Handang harapin ng pamahalaan ang posibilidad ng mga inaambang aksiyon. Kailangang manatiling mahinahon ang ating mga kababaÂyang OFW. Paninindigan at pangangalagaan ng pamahalaan ang kapaÂkanan ng mga Pilipino sa HK,†paliwanag pa ni Coloma sa media briefing kahapon.
- Latest