Rotational brownout babala ng Meralco ‘Pag di binawi ang TRO

MANILA, Philippines - Tila nagpahayag ng pagbabanta ang kampo ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga ma­histrado ng Korte Suprema na kung hindi babawiin ang pinalabas na temporary restraining order o TRO laban sa pagpapatupad ng power rate hike na P4.15 kada kilowatt hour ay magkakaroon ng rotational brownout.

Sa kanyang pagharap sa oral argument sa Su­preme Court kahapon, nagbabala si Atty. Victor Lazatin, counsel ng Meralco, na maaaring humantong ang TRO sa rotational brownout na magdudulot naman ng negatibong epekto sa ekonomiya.

Paliwanag niya, nang dahil umano  sa nasabing TRO, nahahadlangan ang delivery ng fuel sa mga generation company na magiging dahilan naman para mahinto ang delivery ng kuryente sa Meralco.

Bukod pa rito ang inaasahang pagtaas ng demand sa kuryente dahil papalapit na ang panahon ng tag-init.

Batid din umano ng Meralco na sila ay ina­akusahan ng pamba-blackmail nang dahil sa babala kaugnay sa rotational brownout.

Sabi ng abogado, nabigo ang mga petitioner na idaan muna sa administrative remedy ang kanilang reklamo laban sa power rate hike.

Ang dapat umanong ginawa ng mga petitioner ay idinaan muna ang reklamo sa ERC na may kaukulang karunu­ngan hinggil sa industriya ng kuryente at nasa mas akmang posisyon para hawakan o desisyunan ang magkakaibang pananaw ng mga partidong sangkot sa kaso.

Kumpiyansa si Atty. Lazatin na hindi maituturing na “justiceable” ang kaso at wala ring matatawag na irreperable injury sa panig ng mga petitioner.

Hindi rin daw naaakmang argumento ang tinutukoy ng mga petitioner na paglabag sa due process clause dahil salig umano sa Konstitusyon, ang due process ay maa­ring igiit alang-alang sa estado, pero hindi ito maaring gamiting panang­galang ng mga private entity.

 

Show comments