300 Yolanda survivors muling nakasama ang pamilya

MANILA, Philippines - Muling napagsama-sama ng 8th Infantry Division ng Phil. Army na nakabase sa Catbalogan, Samar ang may 300 Yolanda survivors sa kanilang mga mahal sa buhay o pamilya matapos mahiwalay sa gitna ng naranasang bagyo.

Ayon kay Capt. Amado Gutierrez ng 8th Infrantry Division, inalagaan ng 8th ID ang mga nasabing indibiduwal hanggang sa makatanggap sila ng impormasyon sa kinaroonan ng mga pamilya nito.

Nakiisa rin ang naturang unit sa may 30 medical missions na ginawa sa mga Yolanda victims katuwang ang iba’t ibang foreign at local relief agencies na tumutulong sa Pilipinas para sa pagpapatuloy ng relief at rehabilitation.

 

Show comments