MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang planong pagsasapribado sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, ang tanging ospital na paanakan ng mga buntis para sa mga mahihirap sa bansa.
Binigyang diin ng KMU na kapag naituloy ang natuÂrang plano ay tiyak na kamatayan naman ang hatid nito sa mahihirap na ina at mga sanggol na nangangailangan ng serbisyo ng naturang pagamutan.
Ayon sa KMU, oras na maitayo ang ginagawang gusali na ginagawa ng J. D. Legaspi Construction bilang bahagi ng P743-million deal, sa San Lazaro headquarters ng Department of Health ay mangangahulugan lamang ito ng mataas na halaga ng bayarin sa pagamutan na hindi na kakayanin ng isang naghihirap na inang buntis para makapagsilang ng sanggol.
“Fabella’s privatization is a kiss of death to poor mothers and babies, and shows that Aquino is not only a Disaster President but also a Health Disaster. Instead of upholding the public’s interest by increasing subsidy to the health sector, Aquino is upholding big capitalists’ interest in privatizing public hospitals,†pahayag ni Elmer “Bong†Labog, chairperson ng KMU.
Nananawagan ang KMU sa taumbayan na samahan silang hadlangan ang Public-Private Partnership program ng pamahalaan na anila’y siyang ugat ng pagsasapribado ng mga public hospitals tulad ng Fabella.
Maging ang Philippine Orthopedic Center sa Quezon City ay plano na ring ipagbili ng gobyerno.