MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Malacañang sa Moro National Liberation Front (MNLF) na sumali sa pagbuo ng Bangsamoro Basic Law na magbibigay-daan sa pagtatag ng Bangsamoro political entity na kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., mahalagang makiisa ang MNLF sa peace process lalo pa’t nalagdaan na ang huling annex sa Bangsamoro Framework Agreement.
Ayon kay Coloma, hindi sila titigil sa paghikayat sa MNLF at iba pang stakeholders dahil hangad nilang “inclusive†o pangkalahatan ang kapayapaan sa Mindanao.
Ang MNLF faction na Council of 15 na pinamumunuan ni chairman Muslimin Sema ay nagpahayag ng kahandaang masimulan ang unity talks sa MILF kung pangungunahan ng Organization of Islamic Conference (OIC).
Nagmamatigas naman sa pagtanggi ang paksyon ni Nur Misuari dahil nabalewala raw sila sa binuong agreement.