MANILA, Philippines - Isang Solidarity Parade ang isasagawa sa Biyernes sa layunin ipakita ang pagkakaisa ng grupo ng mga Chinese sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Diego CaÂgahastian, Media BuÂreau chief, kabilang sa mga grupong makiÂkiisa ay ang Federation of FiliÂpino Chinese Chamber of Commerce and Industry. Inc at ang Chamber of Commerce and Industry.
Sinabi ni CagahasÂtian na nakatakdang duÂmalo sa pagdiriwang ng Chinese New Year si Manila Mayor Joseph Estrada at iba pang city hall officials.
Magsisimula ang parade dakong alas-8 ng umaga kung saÂan magsisimula ang parada sa Binondo Church patungong Escolta, diretso ng Plaza Sta. Cruz, dadaan ng Sabino Padilla, Reina Regente at balik sa Binondo church.
Noong nakaraang taon ay nagsimula ang parade sa Plaza Sta. Cruz at nagtapos sa Binondo Church na mariin namang tinutulan ng Chinese.
Batay anila sa Feng Shui mas magandang buuin ang bilog sa halip na kalahati lamang ang parade.