Deployment ng OFWs sa Bangkok, sinuspinde
MANILA, Philippines - Pansamantalang sinuspinde ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga newly-hired Pinoy workers sa mga piling lugar sa Thailand kasunod ng pagdedeklara ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng crisis alert level 2 sa Bangkok.
Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, ang mga returning OFWs o mga nagbabalik sa trabaho na may kasalukuyang employment contracts sa Thailand ang pinapayagan na makabalik sa Bangkok, Nonthaburi province, Lad Lum Kaew district ng Pathumthani province at Bang Phli district ng Samutprakan province.
Klinaro naman ni Hernandez na ang alert level 2 ay para lamang sa Bangkok at sa mga nabanggit na kalapit na lugar o bayan nito.
Itinaas ang alert level 2 para sa proteksiyon ng mga Pinoy sa Thailand kasunod na rin ng pagdedeklara ng Thai government ng 60-araw na state of emergency dahil sa mga karahasan na layuning patalsikin ang kasalukuyang Thai prime minister.
- Latest