^

Bansa

Salceda, ‘2013 Filipino of the Year’ ng PAPI

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napili at pararangalan ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) si Albay Gov. Joey S. Salceda bilang “2013 Filipino of the Year” sa gaganaping 18th National Press Congress nito sa Pebrero 21-22, 2014 sa Isabela Hotel, Cauayan City Isabela.

Ayon kay PAPI President Luis T. Arriola, ang pa­rangal ay bilang pagpapahalaga at pagkilala sa mga makabuluhan at pandaigdigang “achievements” ni Salceda nitong nakaraang taon, lalo na ang pagkakahalal niya bilang chairman ng United Nations Green Climate Fund (GCF) kung saan kinakatawan niya ang Southeast Asia at ang lahat na mahihirap na bansa.

Ang parangal, dagdag ni Arriola, ay bilang­ pagkilala rin sa “pioneering­ advocacy for Climate Change Adaptation (CCA)” at malikhain niyang mga programa sa Disaster Risk Reduction (DRR) na ginagawa na rin ng ibang local government units at mga pambansang ahensiya ng pamahalaan at pati ng ibang bansa.

Kinikilala rin ng para­ngal ang mahusay na sis­tema niya sa pamamahala na naging daan upang makabangon ang Albay mula sa pagkakadapa dulot ng sunud-sunod na hagupit ng mga kalamidad nitong nakaraang ilang taon. Ang Albay ay malimit salantahin ng mga malala­kas na bagyo taon-taon.

ALBAY GOV

ANG ALBAY

ARRIOLA

CAUAYAN CITY ISABELA

CLIMATE CHANGE ADAPTATION

DISASTER RISK REDUCTION

FILIPINO OF THE YEAR

ISABELA HOTEL

JOEY S

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with