MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Malacañang sa mga magulang na sila pa mismo ang nagtutulak sa kanilang mga anak sa child prostitution na may pananagutan sila sa batas.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, gumagawa na ng aksiyon ang Department of Social Welfare and Development para mabigyan ng proteksiyon ang mga batang isinasadlak ng kanilang mga magulang sa prostitusyon.
“Paalala sa magulang, they can be prosecuted for doing that. May batas tayo riyan,†babala ni Lacierda.
Hindi aniya katanggap-tanggap na inaaruga ng mga magulang ang kanilang mga anak para pagkakitaan dahil katungkulan ng mga ito palakihin ang mga bata bilang mabuting mamamayan ng bansa.
Tiniyak ni Lacierda na nagtutulungan na ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para labanan ang cybersex lalo na ng mga bata.
Nakikipag-tulungan na rin umano ang mga ahensiya sa mga tourist establishments.
Aminado si Lacierda na ang tourism industry ay pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno dahil kinakailangang mabigyan ng proteksiyon ang mga kabataan para maiwasan ang maling impresyon ng mga dayuhan sa slogan ng Department of Tourism na “it’s more fun in the Philippines.â€
“Ang emphasis ni DOT Secretary Ramon Jimenez na ‘it’s more fun in the Philippines,’ it’s fun in a positive way ... We don’t want to be identified as a haven where tourists can engage in activities that are ... illegal and will affect our minors,†ani Lacierda.
Kaugnay nito, sinabi ni Lacierda na kailangang muling mag-usap ang mga kinauukulan para buhayin ang isyu ng pagpaparehistro ng mga prepaid SIM cards na nagagamit sa prostitusyon.