^

Bansa

Pagkuha ng SSS ID 10 days na lang

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bibilang na lamang ngayon ng 10 araw at hindi na mahigit isang buwan bago makuha ang SSS ID.

Inanunsyo ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na pinaikli na ang processing time sa pagkuha ng ID ng mga miyembro para maiwasan na ang production backlog at mabigyan na ng ID ang may mahigit 3 milyong miyembro sa ilalim ng Unified Multi-purpose Identification System (UMID).

Ang 10-working day processing time ay magsisimula sa araw ng aplikasyon ng isang member hanggang sa araw na mai-release ang UMID card package sa Philippine Postal Corporation (PhilPost) para mai-deliver sa mga miyembro nationwide.

Maaari namang ma-claim ng miyembro ang kanilang ID sa SSS branch kung saan sila nag-apply o maaaring mag-check ng UMID card status sa SSS Website (www.sss.gov.ph), email [email protected], o tumawag sa SSS Call Center (920-6446 to 55).

Maaari ring makuha ng isang representative ang ID ng miyembro kung mayroon itong ipapakitang letter of authorization.

BIBILANG

CALL CENTER

IDENTIFICATION SYSTEM

INANUNSYO

MAAARI

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS

UNIFIED MULTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with