MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pahayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na ang pamahalaan ay magbubukas ng trabaho para sa mga dayuhan na nakatira sa Pilipinas.
Ayon sa KMU, nakakairita at kalapastanganan ang pahayag na ito ni Baldoz dahil sa kabila na maraming Pilipino ang walang trabaho ay uunahin pa nitong mabigyan ng hanapbuhay ang mga dayuhan.
Unang inanunsiyo ni Baldoz na bibigyan ng trabaho ang mga dayuhang architects, chemical engineers, chemists, environmental planners, fisheries technologists, geologists, guidance counselors, licensed librarians, medical technologists, sanitary engineers, computer numerical control machinists, assembly technicians, test technicians, pilots at aircraft mechanics.
“Again, Baldoz thinks she can get away with trying to fool the public. The country’s high unemployment rate, the number of Filipinos leaving the country to work abroad, and the number of skilled Filipinos in the call center sector show there’s no dearth of Filipinos looking for jobs,†pahayag ni Elmer Labog, chairperson ng KMU.
Binigyang diin ni Labog na dapat alalahanin ni Baldoz na may mahigit sa 4,000 Pinoy ang luÂmalabas sa bansa at nagtatrabaho sa abroad para mabuhay ang kanilang mga pamilya bunga ng kawalan ng hanapbuhay sa sariling bansa.