^

Bansa

Pagtugis kay Reynald Lim, tututukan ng PNP-CIDG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipaprayoridad  ng bagong liderato ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagtugis kay Reynald Lim, ang kapatid ng kontrobersyal na si Janet Lim Napoles na itinurong utak ng P10 bilyong pork barrel scam.

Aminado ang  bagong talagang si PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong  na tila nawalan ng radar ang ahensiya laban kay Reynald Lim nitong mga nakalipas na buwan.

Pero sa pagkakataong ito, sinabi ni Magalong na tututukan ng kanilang mga operatiba ang malawakang manhunt laban kay Reynald Lim  at sa iba pang high profile targets, gayundin ang mga wanted na criminal elements at organized  crime groups.

Una nang bumuo ang PNP-CIDG ng tracking team upang tugisin si Reynald Lim na isinasabit din sa pork barrel scam pero magpahanggang sa nga-yon ay wala pa ring positibong resulta.

Sa kasalukuyan, nananatili namang bantay sarado sa PNP-Special Action Force (PNP-SAF) sa Fort Sto. Domingo,  Sta Rosa , Laguna si Napoles.

Nabatid na nahaharap rin si Lim sa kasong serious illegal detention at may patong sa ulong P 5-M.

Samantalang kabilang naman sa tinutugis na big 5 ay sina dating Dinagat Islands Rep. Ruben Ecleo; magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at  dati ring Coron Mayor Mario Reyes, negos-yanteng si Delfin Lee  at maging si ret. Army Major General Jovito Palparan .

Sa kasalukuyan, ay hindi pa rin naaresto ng mga awtoridad ang big 5  at wala pa ring lead sa kinaroroonan ng mga ito.

ARMY MAJOR GENERAL JOVITO PALPARAN

BENJAMIN MAGALONG

CHIEF SUPT

CORON MAYOR MARIO REYES

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DELFIN LEE

DINAGAT ISLANDS REP

DIRECTOR P

REYNALD LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with